bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

IKAW LANG

        Sa una di ko alam ng ikaw ay makilala;
        Balewala at para bang ayaw ko ng umibig pa;
        pero ngayon,naging tayo at nakilala kita;
        Sa puso at isip ko,cnabi ko na sana"IKAW NA".

        Sobrang saya ng nadarama pag kausap ka;
        Kahit sa internet at webcam lang tayo nagkikita;
        Sa loob ng dalawang taon ng ating pagsinta;
        Parang nandyan ka lang kahit ika'y milya milya;
        Walang katumbas ang dulot mong ligaya!

        Sa paglipas ng mga araw na kausap ka:
        walang gabi o araw basta nandyan ka:
        Puno ng plano at pangarap sa isip nating dalawa;
        Na darating ang panahon na tayo;y magkakasama;
        Doon sa bansang SOKOR kung saan nandun ka!

        Isang araw nabigla ako ng sabihin mong"tapos na"
        Na tayo'y hiwalay na at wag ng umasa pa;
        Anong aking nagawa at biglang nagbago ka?
        lito ang isip ko at puno ng pangamba....
        na baka nga dyan,ika;y may IBA na!

        Di ko alam ang gagawin ko....
        Araw at gabi ikaw ang nasa isip ko;
        Anong nagawa at biglang nagbago?
        o ako lang ba ay cnusubok mo?
        kung gaano katapat....pagmamahal ko sayo!

        Alam ng DIOS at ng lahat ng tao....
        Kung gaano ka kaimportante dito sa buhay ko....
        sa buhay ko magmula ng naging tayo....
        Ikaw at ikaw lang ang minamahal ko!

        Sana hon ikaw ay magbalik...
        di makapapayag kahit na magsumiksik:
        Tanging ikaw lang walang ibang ibig....
        kahit pagtawanan ng buong daigdig...
        Ang puso kong itong"IKAW LANG ANG INIIBIG"!

Tula kong nagawa para sa'yo......
ito ang kauna-unahan mula ng ikaw'y magbago...
natutong magsulat ng dahil sa'yo.....
hanggang kailan ba magtatapos mga pahirap mo!
sana nga mabasa mo lahat ng ito......
KUNG PANO KANG MINAHAL HIGIT PA SA BUHAY KO!!!



3 comments:

  1. unang tulain na nagawa ko para sa lalaking mahal ko....dito ako nagsimula makapagsulat kung ano nararamdaman ko....hindi ko akalain na may talento ako sa larangang ito.then nasundan sa isang paligsahan...at ngayon hanggang sa kasalukuyan ito na ang palipasan ko ng oras at isang libangan..

    ReplyDelete
  2. akoy hanga sa taglay mong talento
    kaya naman tula mo'y inaabangan ko
    at sana nga matagpuan mo na ang tunay na
    iibig sau...
    para naman mawala na ang kalungkutan mo....

    ReplyDelete