bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

HUWAD

akala ko noon puso ko'y bato na;
sa lahat ng hirap na nakaya ko na mag-isa;
tumayo din ako bilang ama't ina;
sa awa ng DIOS lahat aking nakaya.

ngunit isang araw ika'y nagpumilit;
sa nananahimik kong puso ika'y nagsumiksik;
mga paghihirap ko'y iyong iwinaglit;
sa kasiyahan itinuring mong parang paslit.

lahat ng ito'y nawala sa isang iglap;
mga pangako mo'y puro pagpapangap;
sana di na nagtiwala sa puso mong huwad;
ang isang tulad mo'y tila sundalong duwag.

ngunit sa'yo wala akong hinanakit;
ganyan talaga ang pag-ibig may pasakit;
sadya ngang talaga kapalaran sakin malupit;
sa isang huwad na tulad mo ito ang sinapit.

No comments:

Post a Comment