bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Friday, September 23, 2011

BAHAY KUBO NG BUHAY KO

BAHAY KUBO NG BUHAY KO
ni:ara castillo

I
Tao po!tao po!pwede po bang makituloy?
O kaya ay manghingi kaunting maiinom.,
mayroon akong tirahan ngunit walang bubong;
kung inyong mamarapatin,pwede po bang makisilong?
II
Marami pong salamat sa inyong pagtanggap..
maaaring dito nga natagpuan hinahanap...
mga kaibigang tunay ang paglingap.....
sa dami ng nadaanan,puro pagpapanggap!!
III
Mga kaibigang ningas kugon lang lahat...
sa una'y kaytamis paglumaon na'y kay-alat...
abang puso ko'y isa lang ang hinahangad....
makatagpo ng tahanang ituturing kong pugad.
IV
kaya't sa pagliliwaliw nitong nalulumbay na damdamin...
natagpua't nadaanan isang tahanang walang dingding..
punong-puno ng kasayahan,payak man sa paningin...
tinanggap akong tunay...kapamilya ng ituring.
V
tahanang natagpua'y nagdulot ng galak....
tumatak sa isip ko at aking panulat...
sana nga dito na kaisipa'y mailagak...
nitong Binibining sa Nueva ecija nagbuhat.
VI
Maraming tahanan akin ng nasilungan...
pawang mga pader ang haligi't gawa sa bakalan...
Ngunit sa mga unos sadyang may kahinaan...
Tatag na ipinakikita puro paimbabaw.
VII
Yaring bahay kubo'y magsisilbing tahanan...
gawa man sa gamit na hindi kamahalan....
Taglay pagmamahalan ng mga naninirahan....
Poong lumikha ang sandigan,kaagapay sa unos na dadaan.

Sept.23.2011
ara/poknat

No comments:

Post a Comment