bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

MINAHAL KA NG TUNAY



Umibig na muli ay di ko inaasahan;
Nag-umpisa ang lahat sa isang biruan;
Di ko ninais mahulog sa'yo ng lubusan;
Nararamdaman ko sayo'y hindi na mapigilan.

Kaligayahang dulot mo hindi matutumbasan;
Pagkikita natin aking kinasasabikan;
Pangarap na makasama ka at sa'yo iparamdam;
Pag-ibig ko sayo;tunay magpakailanman.

Lahat ng 'yong pasakit aking titiisin;
Masasakit na salita aking tatanggapin;
Mapatunayan lamang tunay ang hangarin;
Sa buhay kong ito ikaw lang ang iibigin.

Kahit anong marinig sa aking mga kaibigan;
Limutin na kita bat di ko raw subukan;
Ang isang tulad mo di raw dapat iyakan;
Ibigin ka nga ba'y isang katangahan?

Sobrang sakit dinanas nuong ako'y iyong iwanan;
Puso mo'y biglang nagbago ng di alam ang dahilan;
Ako'y iyong sinisisi sabi mo'y may kasalanan;
gayong walang ginagawa,ikaw ba'y nagdadahilan?

Ano nga bang nagawa ko upang iyong pahirapan;
paghihirap ko sanay iyong nalalaman;
Hanggang kailan pag-ibig ko'y susubukan;
yaring pagluha ko hindi pa ba sapat yan?

Sa buhay kong ito wala ng minahal;
Pagkat ikaw lamang dito nakatanghal;
Nag-iibayong pag-ibig habang tumatagal;
Kahit nasasaktan ...ikaw lang aking mahal!

Di ipagpapalit sa anumang kayaman;
Ang makasama ka'y tanging kaligayahan;
Kahit magdanas pa labis na kahirapan;
Kung ikaw ang kapiling lahat makakayanan.

Tanging ikaw lamang aking hinihintay;
Pag-ibig ko sayong walang makakapantay;
Kahit umabot pang ako ay mamatay;
Ikaw lang ang iniibig,,,MINAHAL KO NG TUNAY!!!


PARA SA LALAKING MINAHAL KO NG TUTUO!!!

No comments:

Post a Comment