bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

PAG-IBIG BA'Y BULAG

Habang ang tulai'y inuumpisahang sulatin...
hinanakit sa puso ko...nagsisikip ang damdamin..
sa bawat patak ng luha ko...bakit ako naninimdim?
mali ba ang magmahal ng tapat ang layunin.

Ano pa nga ba ang kulang ba't di mo sabihin...?
lahat naman sinunod ko kahit ika'y malayo sa akin...
salita mo'y nakatatak sa isip ko at damdamin...
bawal to..bawal yan!ano pa ba ang gagawin?

Lahat na ng sakripisyo tiniis at kinaya ko....
kahit di mo kausapin..heto pa rin iyung -iyo....
makipag-usap sa iba di magawa yan ang tutuo....
mga mata'y parang bulag..nagsilbing alipin mo!

Minahal ka ng tutoo't walang hinintay na kapalit...
kahit na ang dulot mo'y puro hirap at pasakit....
dapat bang tapusin na pagluha kong walang patid....
pagdurusa ng buhay kong ikaw ang may hatid.

sa buhay na ito'y ikaw ang tanging pinangarap....
pangarap na dumating ikaw ay aking mayakap...
mga ala-ala mong lalagi na lang sa ulap...
mga pangarap kong walang katuparang maganap.

itinuring kang isang pinakamatalik kong kaibigan...
pasikut-sikot ng buhay ko'y ikaw lang ang nakakaalam....
ngayong kailangan ka ikaw nga ay nasaan?
nasaan ang pangako mong ako'y hindi mo iiwan?

Sinabi mo sa akin ako'y iyong mahal....
na kung susukatin wala kang paglagyan....
lahat ba'y nagbago dahil sa ating kinalalagyan?
O sadyang ikaw'y may iba ng minamahal?

Bat di mo sabihin akin namang mauunawaan....
wag ka ng magtago pa't maghabi ng mga dahilan....
Dapat bang maging hadlang ang distansya nating pagitan?
pagmamahal na pangarap ko'y dapat na nga bang wakasan?

Ginawa ko ng lahat aking makakayanan....
kung paanong pag-ibig ko sayo'y aking iniingatan...
sadyang ikaw na nga tumapos sa sumpaan....
hindi mo man sabihin...ang salitang paalam!

Wag kang mag-alala ako'y walang hinanakit....
tanggap ng puso ko wala kahit konting galit....
Salamat sa iyo ito man ang ating sinapit....
ganyan talaga ang buhay..parang sugal ang pag-ibig.

Hibang nga ba ang pusong labis na nagmamahal?
O sadyang bulag lang harapin ang katutuhanan....
pag-ibig daw ay bulag sadyang kasinungalingan....
imulat ang isipan..lahat iyong makakayanan.

Paalam sa iyo..tunay kong minamahal....
tunay na ligaya iyo sanang matagpuaan...
hangad ko'y iyong makamit lubos na kaligayahan....
Maluwag sa kalooban...mahal ko paalam!!!

No comments:

Post a Comment