bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

PAKIUSAP

Pakiusap 12th entry ni Ara Castillo
By Lover's Lane

Ang tulaing ginawa ay para sa kaibigan ko;
Na magdaraos ng kaarawan sa darating na buwan na ito;
Ngunit ang paksang gagawin para sayo G.SIMPATIKO....
Aking pakiusap ....dinggin mo at sumeryoso.

Di na kinakakailanangan sa'yo ipakilala pa;
At ang aking sasabihin di na pakahahabaan pa;
Admin ng Lover's Lane na lagi mong ka-chika;
Si Binibining FLORENCE ito....na nasa GENEVA!

Maaaring sagutin lang ilang katanungan;
Dahil ang nais ko'y pawang katutohanan;
Batid ko din naman na ika'y naguguluhan;
Sa aking sinasabi'y walang maunawaan.

Ipagpaumanhin po aking kapangahasan;
kung ang iyong damdamin aking pinapangunahan;
Ang tanging nais lang ay aking malaman;
Kung ikaw kay Bb.FLORENCE ay may nararamdaman?

Kung sakali mang ika'y sadyang nalilito;
Ay di naman kita sa kanya ibibisto;
Ating pag-uusapan ituturing na sikreto;
Yan ang pangako ko...G.SIMPATIKO.

Eto naman po aking napag-alaman;
Nang kami ni Bb.FLORENCE minsang nagkwentuhan;
Kayo palang dalawa laging naghaharutan;
Mga biro mong sinasambit sa puso nya'y kagalakan.

Hinihintay ko po iyong kasagutan;
Kung si Bb.FLORENCE iyong napupusuan;
Aba!G.SIMPATIKO..pwede kitang tulungan;
Kung isang tulain lamang pwede natin siyang handugan.

Huwag ka ng mag-atubili sa akin nga ay aminin;
Tunay na nadarama sa mahal naming Admin;
Ako'y may ibubulong dumikit lang ng konti sakin;
Siya'y may pagtingin sa'yo...sa akin yan kanyang inamin.

Kaya G.SIMPATIKO,.....wag mo ng patagalin;
Pag-ibig sa knya'y ngayon mo na sabihin;
Sinisigurado kong di ka bibiguin;
Ngunit pakiusap ko.....sa kanya ako'y wag ibuking.

Ang tanging nais ko lang sya ay pasayahin;
sa darating na kaarawan sa Setyembreng darating;
Puso ni Bb.FLORENCE ay aking punuin;
Na tunay na kaligayahang sa'yo lang manggagaling.

G.SIMPATIKO pakiusap ko sana ay dinggin;
Sana'y maging tapat tunay mong layunin;
Ang pakiusap ko wag sanang paluhain;
Dahil ikaw ang itinatangi nitong aming Admin.

G.SIMPATIKO...isa pang pakiusap...
Sa kanyang kaarawan iyong ipalasap;
Ikulong sa'yong bisig,kanyang pinapangarap;
Upang sa kanyang KAARAWAN;kaligayaha'y maging ganap!!!!

No comments:

Post a Comment