bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

SALAMAT

Araw ng pagsilang ngayon nga ipinagdiwang;
Taos pusong pasalamat sa Dios kataas-taasan;
Sa kabila ng pagsubok na aking naranasan;
ay sinapit na muli..special na araw ng aking buhay!

Salamat sa lahat ng bumati't nakaalala;
nag-ukol ng oras..maiparamdam pakikisaya...
sa simpleng pagbati'y tagos sa puso kong talaga...
salitang hapi birthday sa isang kaibigang sa FB lang kakilala.

hayaan nyong ipaabot simpleng pasasalamat...
sa inyong kaibigang sa puso ko nagbuhat...
inyong pagbating tinuran sadyang walang katapat..
kahit isang regalong mamahalin ang pabalat...

SALAMAT sa inyong mga kaibigan kong naturingan...
hindi man tayo close at dito lang nagkakilanlan...
simpleng pagbati nyo sa aki'y kasiyahan...
nagdulot ng saya na hindi ko malilimutan!!!

kung mayroon man akong sa inyo nakalimutan...
ako naman sana'y inyong pagpasensyahan...
hindi ko man ni-like o kaya'y nalaktawan...
ngunit pagbati mo sa puso ko ito'y naiwan!!!

No comments:

Post a Comment