bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

LOVE IS IN THE AIR, STRAIGHT FROM THE HEART

ang pag-ibig nga ba'y saan masusumpungan?
di ba sa ating puso ang pinanggagalingan....
pagmamahal na hinahanap nang kahit sinoman....
dito sa bagong pahina..atin ng mararanasan.

itong aking tulain inyo sanang magustuhan....
nitong abang puso ko sinulat ang nilalaman....
aking mga sinasabi inyo sanang pagpasensyahan...
dahil ang inyong lingkod sa pagsulat hindi batikan.

Love is in the air,straight from the heart ang pangalan;
nitong bagong pahinang si Admin Coco ang creator nyan...
panibagong simula sa panibagong tambayan...
lahat ng mga nangyari dito natin kalimutan.

Hindi natin hawak kaisipan ng bawat nilalang....
sa pagbibitaw ng salita sadya ngang matatapang....
bakit hindi magbigayan at kalimutan na lang.......
Kung ano ang problema sa isip natin wumiwindang.

Tayo namang lahat iisa ang bawat nais....
magbigay ng kasiyahan sa isa't-isa'y walang mintis....
bakit kailangang mga salita'y padanggis-dangis....
kapatawaran sana sa puso natin....pwede ba wag ng mainis?

Kapag daw ang puso'y nakaranas na masaktan...
o di kaya naman iniwanan kang luhaan....
sa bawat hamon ng buhay may gantimpalang nakalaan....
wag kang susuko kaibigan...araw mo'y sisikat yan.

Sana ng dito sa pahina madami pa ang dumagdag...
mga tulaing kinatha dito natin ilahad....
may problema sa pag-ibig o maging kalamidad...
Dito nga sa pahina sosolusyonan yan agad.

Atin ngang kilalanin dito sa pahina'y mga Admin...
tila bawat isa yata nagtatago sa dilim..,..
dinig ko'y magaganda at may isang hunk din....
ito yata'y si Admin Mark...pede ka bang makilala sir?

Nawa itong pahina'y manaig pagmamahalan....
pagbibitiw ng salita atin sanang ingatan....
samaan ng loob di naman po maiiwasan yan...
ngunit ang lahat po'y sa magandang usapan nadadaan.

Atin ng kalimutan kung ano mang unos ang nagdaan....
bagyo man o panaginip kung ito ay turingan....
tayo'y muling narito upang ating simulan....
panibagong pahina,,,para sa bagong samahan.

Pagmamahal nga ang laging nandiyan...
deretso sa puso ng kinauukulan.....
ito ang kahulugan ng pahinang tambayan....
sana'y maging simula ng tunay na pagkakaibigan.

bagong tambayan ni Bb.FLORENCE CALICA...
dito'y inaanyayahan kahit hindi isang makata...
nagmamahal ka man o dili kaya'y lumuluha....
dito sa pahina mga agam-agam mo mawawala.

kung ikaw man kaibigan dito sa FACEBOOK isang palaboy;
dito sa Love in the air lahat pinapatuloy.....
ano pang hinihintay mo ..halika na wag ng ngumuyngoy....
atin ipagpatuloy dito laging hapi hapi joy joy joy!

No comments:

Post a Comment