bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

BULAG SA KATOTOHANAN

matagal na panahon ikaw ay wala;
ngunit bat di mawala dito sa gunita;
araw gabi pa din akong lumuluha;
bat ba ang puso hindi makalaya?

kahit anong gawing puso ay turuan;
na ikaw ay wala na,wag ng asahan;
puso ko lamang pinapahirapan;
heto pa rin patuloy nasasaktan.

sa buhay ko ngayon lang nagkaganito;
ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko;
sana nga nandito ka at nalalaman mo;
mga pagdurusa ko ng dahil sa'yo.

sadya ngang puso ko'y di maturuan;
na sa iba ito nga ay muling pagbuksan;
pero sadyang ikaw lang tanging kailangan;
nitong puso kong bulag sa katotohanan.

bulag sa katutohanan ng iba kung turingan;
higit na yaong aking mga kaibigan;
anong magagawa hindi ko mapigilan;
sigaw ng puso kong labis na nagmamahal.

mahalin ka ng labis sadyang kamalian;
sa paningin ng iba'y isa ng katangahan;
o manhid na nga ba puso't isipan;
sabik sa pagmamahal mong biglang naparam.

bulag man ituring aking paninindigan;
pangako sa iyong aking binitawan;
dito sa puso ko ikaw lang inilaan;
pag-ibig kong ito...ikaw lang magpakailanman.

No comments:

Post a Comment