bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

PARA SA INYO MGA KA-BISYO KO♥♥ THE OFW CONNEC(BISYO NA TO!)

ang tulaing ito'y inyo sanang pagpasensyahan...
handog sa pahinag malugod sa kalooban....
pahinang naghatid sa atin ng katuwaan....
pahinang nagbigay mga bagong kaibigan.

pinangungunahan ni SNAPGUY...ating creator...
at ang masipag na si ADMIN WEYRD..
sa mga games sya ang promotor...
mga adming mga gwapo,nagsesexyhan at lovable...
dito sa kabisyo...hindi uso ang trobol.

sa darating na ikalawang buwan ng pagkatatag...
samahang naumpisahan lalo pang tumagal aking hangad...
sana'y dumami pa mga myembro dito ay madagdag...
upang kasayahan dito..ay mas higit pang sumagad.

mga myembro ditong sa iba't-ibang bayan nagmula...
mga kapwa PILIPINONG nagtungo sa ibang bansa....
dito sa pahina nagkita-kita at nagsimula....
dito nga sa internet...pagkakaibigan nagsimula.

Mula sa Hongkong,Singapore,Kuwait at Mid.East...
dito tumatambay upang mapawi pagkainip...
mga hinaing sa trabaho at mga dalahin sa dibdib...
dito'y nawawala..pansamantala kahit saglit.

hangad ko mga ka-bisyo ating samahan pa ay tumagal....
mapawi ang lumbay ng mga katawang nagpapagal...
mahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay....
dito nga sa OFW CONNECT..papawiin iyong lumbay.

dagat man po ang ating mga pagitan....
ito sana'y hindi hadlang sa isang tunay na samahan...
hindi layo o lapit ng distansya ang sukatan...
nang isang tunay na samahan at pagkakapatiran..

Wala man po akong litratong pagkakakilanlan...
itong handog na tulain ang sya kong katunayan....
ako'y isang ka-bisyo sa puso at isipan....
pahinang Ofw Connect..hanggang wakas susuportahan.

No comments:

Post a Comment