bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Wednesday, September 21, 2011

LAGI MO NA LANG AKONG SINASAKTAN

LAGI MO NA LANG AKONG SINASAKTAN!!
ni:ara castillo/poknat

Ano nga ba ang sa akin tunay mong damdamin...
Laruan lang ba sa iyo at paiiyakin.....?
Bigla kang mawawala di man lang sabihin....
Ano nga ba talaga ang tutoong layunin.

Parang kailan lang kaylambing mo sa akin...
Na parang ibibigay lahat kong hilingin...
Ngunit biglang-bigla nagbago pagtingin....
Ano ang nagawa bat di mo sabihin?

Mawawala ka't sukat...di magpaparamdam....
Tapos isang araw bigla kang nandyan....
Ako'y kakausapin isusumbat mga paratang....
Magbabalik ka lang kung kailan maibigan.

Ako nga lang ba'y hindi na kailangan....
Naaawa ka lang ba o kaya'y napipilitan?
Bakit ka pa nagbabalik ano ang dahilan?
O nais mo lamang paghihirap ko ay dagdagan?

Dahil ba alam mong ikaw'y mahal na mahal?
Saktan ang puso ko'y walang pakundangan....
Sobrang pasakit na't bigat ng kalooban....
Kung ako sa 'yo ay wala na...ako ay tigilan.

H'wag naman ako'y paulit-ulit na saktan....
Puso ko'y durog na..wag mo ng apakan....
Durug -durog na piraso gusto mo pang dagdagan....
Ganyan ka ba talaga?walang kasiyahan?

Unti-unti na sanang ika'y nakakalimutan..
Ngunit sabi mo di ka nawala,ika'y nariyan lang....
Nagmamasid pinagmamasdan aking mga galaw....
Ngayon nasaan ka?muli akong iniwanan!

Labis na akong nasasaktan sa'yong ginagawa....
Bigla kang lilitaw..bigla ka ring mawawala...
pinaparamdam mo'y hindi na nakatutuwa....
Wag mo naman akong ituring na isang parang bata.

Paghihirap ng puso ko'y kailan wawakasan....
Mga pagluha ko'y kailan titigilan?
Mga salita mong puro kasinungalingan....
Itong puso ko'y lagi mong sinasaktan!!!

No comments:

Post a Comment