bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

PAG-IBIG... ANO NGA BA?

Naranasan mo na bang masaktan sa pag-ibig?
lumuha na para bang gumuho ang daigdig..
nagmahal ka na ba ng tunay at labis?
nakadama ng kaligayahang walang paglagyan at kaytamis.

Pag-ibig nga ba'y saan nasusukat?
sa nararamdaman ba o agwat ng edad?
sa haba ng samahan o awayang walang puknat?
o sandaling pagkikita...yan ba'y pag-ibig na agad?

magmahal nga ba'y ano ang panuntunan?
sa dalas ba ng pagkikita at mga tawanan?
mga pangakong binitiwan ang syang panghahawakan?
magkalayo man ang pusong iisa ang nilalaman.

Kailangan bang masaktan ang tunay na nagmamahal?
maging tuwid man o dili kaya'y bawal?
bakit nga ba hindi makayang pigilan?
pag puso ang nangusap..susundin kahit ano pa ang nakaharang.

Pag-ibig nga'y sadyang makapangyarihan..
hahamakin ang lahat masunod lang kagustuhan...
maging dagat man o langit ang pagitan...
kasalanan man ito o sadyang katutohanan.

Handa ang lahat upang magpakasakit...
tiisin mga pagsubok at mga pasakit...
layunin sa iniibig nais lamang makamit...
ibibigay ang lahat maging bituin at langit.

sadyang ang umiibig mahirap maintindihan..
dapat bang hangaan o kaya ay husgahan?
bakit magpupumilit kung ika'y masasaktan?
pag-ibig ba'y ganyan kayhirap maunawaan?

di alintana ang lahat basta't maligaya?
kapiling ang sinisinta na parang walang bukas pa?
ano ang gagawin kung mundo mo;y nagbago na?
iyong minamahal..biglang naglaho..paano na?

Sana sa pag-ibig puro na lang kaligayahan..
nang wala ng puso pang nakikitang nahihirapan...
pangakong walang iwanan sana'y mapanindigan..
sana'y mawala na salitang salawahan.

pusong umiibig sadya nga bang lito?
kapiling ang kasuyo..walang pakialam sa mundo?
pag-ibig katangahan o kahibangan ba ito?
ano nga ba talaga..ito ba'y masasagot mo?

No comments:

Post a Comment