bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

TROPASUK(KLT-GIRLS)



pagkakaibigang dito sa internet nagsimula....
nagkapalagayan ....nagturingang di iba...
bawat isa man may kinikimkim na sadya.....
saglit nakakalimutan sa hatid nilang tuwa.

sana'y di natatapos ating samahan...
kung ang bawat isa'y makarating na sa patutunguhan....
bawat isa'y hindi sana kalimutan....
ang pagkakaibigang atin ng naumpisahan.

sa oras ng kalungkuta'y kayo ang naging kaagapay....
sa aking pagluha'y kayo ang karamay....
sa inyo natagpuan kaibigan kong tunay....
mga ka-Tropasuk ko..salamat kaibigan!

at kung sino man sa atin maunang palarin....
dun sa SOUTH KOREA maunang tawagin....
wag sana makalimot bawat isa sa atin....
duon itutuloy ating mga simulain.!

AJA GIRLS....PARA SA MGA KAIBIGAN KO...
NA DUMAMAY AT NAKINIG SA ORAS NA DOWN AKO....
WALANG SAWANG NAGPAPAYO,NAKIKINIG SA PAGLUHA KO...
TUNAY NA MGA KAIBIGAN NATAGPUAN KO DITO!!!♥♥♥ara♥♥♥

No comments:

Post a Comment