bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

SA HARDIN

Sa Hardin 9th entry ni Ara Castillo
By Lover's Lane

imahinasyon ko'y muling pagaganahin ngayon;
Upang bigyang katuparan aking layon;
...Bigyang kasiyahan ang may selebrasyon;
Na di nya makakalimutan sa habampanahon.

May isang dilag na sadyang kayrikit;
Lahat ng kalalakihan sa kanya lumalapit;
Upang kanyang "OO"kanilang masungkit;
Ngunit itong rosas hindi nila mapilit.

Minsan isang gabing naliwanag ang buwan;
ang dalaga'y nagawi dun sa bulaklakan;
Habang pinagmamasdan tala sa kalangitan;
Ay may isang boses galing sa likuran.

Anong ginagawa mo magandang Binibini?
Sa boses ng lalaki itong dilag nama'y tupi;
anong nararamdaman bat hindi nya mawari;
Lalo ng sya'y humarap,sinalubong sya ng ngiti.

Di maipaliwanag ang labis na tuwa;
Sa bibig nya'y walang lumabas anumang salita;
Sa lalaking kaharap sadyang batang-bata;
Sa kanyang kaharap ngayon di makapaniwala.

Bigla ngang kinuha ng binata kanyang kamay;
at sa liwanag ng gabi hardin ay binaybay;
habang silang dalawa naglalakad ng sabay;
Sa puso ng bawat isang mayroong kumakaway.

Hanggng makarating sila dun sa may duluhan;
kung saan ating Admin iniupo sa may duyan;
habang itong binata umupo ng dahan-dahan;
para bang nahihiya itong dalaga ay tabihan.

Habang silang dalawa sa may duyan magkadikit;
mga ibon sa paligid nagsasaya at umaawit;
tila baga mayroon silang nais na ibanggit;
pagmamahal sa dalaga kanya sanang igiit;

Maya-maya ang binata binasag ang katahimikan;
sabay sabi sa kataga kamay nyay hinawakan;
Alam mo ba MADAM nais ko'y iyong malaman;
Ang narito sa dibdib kong matagal ng pinipigilan.

Dahil sa narinig tinig ni Admin gumaralgal;
Alam mo ba SIMPATIKO matagal na kitang mahal;
Ikaw at ikaw lamng sa puso ko itatanghal;
at sabay pahid sa luha"tahan na mahal".

Sa kasiyahang nakamit,puso niya'y umaawit;
kanila ngang mga mukha'y malapit na malapit;
Ginoong SIMPATIKO sa kanya may binabanggit;
sa paglapat ng mga labi,ADMIN COCO napapikit.

Kasabay sa liwanag nitong buwan;
Dalawang puso nga ay nagkaintindihan;
Si Bb.Florence at Simpatiko nga yan;
doon sa may hardin nagtapatan.

Binibining FLORENCE sana'y magustuhan;
Tulaing katha nitong isipan;
Hangad ko po maging katutohanan;
Upang malubos iyong kaligayahan.

MALIGAYANG KAARAWAN!!!!!

No comments:

Post a Comment