bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

IKAW

kaw 11th entry ni Ara Castillo
By Lover's Lane

Ikaw na sa kanyang puso ay bumuhay;
pusong walang sigla at laging matamlay;
Ikaw na siyang dahilan ng mundo niyang makulay;
Ikaw ang simula ng ligaya nyang inaasam.

Ikaw ang kasiyahan nitong may kaarawan;
ikaw na sa puso niya...ngalan mo ang nakatahan;
Ikaw na pumalis kimkim nyang kalungkutan;
Ikaw na kumiliti sa puso nyang pihikan...

Ikaw ang bagong pag-ibig nyang hinihintay;
Hinihintay nyang palagi upang puso ay ialay;
ikaw na syang tanging sa panulat nya ay bumuhay;
mahabang panahon sa baul at dun humimlay.

Ikaw tanging lalaki kanyang napapanaginipan;
doon sa pangarap ituloy paglalambingan;
Ikaw na sa kanya'y nagbibigay ng kasagutan;
Sa kanyang katanungang;puso lang ang may alam.


Ikaw na sa kanya nga minsa;y nagpapaiyak;
sa isang ngiti mo lang napapawi ng lahat;
Ikaw na siyang sandigan ng buhay nya't pangarap;
Kailan mangyayari...kailan matutupad?

Ikaw ang lalaking sa isip nya'y gumugulo;
alin ang susundin puso ba o isip ko?
Sa pagdotdot sa internet hindi na magkandatuto;
pag ikaw na ang kausap Ginoong SIMPATIKO.

Ikaw kanyang nais makasama sa pagtanda;
na kung may karamdaman ikaw ang mag-aalaga;
ikaw pagsasabihan maglalambing na parang bata;
habang tinatapik, hinihimas kanyang mukha.

Ikaw na sa knyang kaarawan tanging hangad;
na sa kanyang paggising ,unang babati at bubungad;
habang sa higaan lalapit at yayakap;
Bangon na aking FLORENCE,palad nya iyong gagap.

Ikaw ang hangarin ng puso niyang umaamin;
kaya GINOONG SIMPATIKO papawirin ay tawirin;
at iyong pagbigyan nais ng aming Admin;
na sa kanyang kaaarawan mayakap mo at batiin!!!!

No comments:

Post a Comment