bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

SORPRESA

Sorpresa 1oth entry ni Ara Castillo
By Lover's Lane

Ika-20 ng Setyembre ngayon;
Ito na ang araw ng selebrasyon;
Si Admin Coco nagpasalamat sa Panginoon;
Sa mga biyayang ipinagkaloob ng POON.

Sa kanyang pag-uwi sa mansyon;
Wala ni isang tao ang naroon;
Tila nalimutan na sya ng panahon;
Nang mga kaibigang nasa imbitasyon.

Sa kanyang silid sya ay nahiga;
sakit sa dibdib pilit winawala;
Nang may marinig ingay sa ibaba;
Dagli nyang pinalis luha sa mukha.

Dali-dali kanyang tiningnan;
Kung ano ang mayroon sa kanyang bakuran;
Isang malamig na musika ang kanyang sinundan;
Si Ginoong.SIMPATIKO kanyang nasilayan.

Habang iniaabot sa kanya pumpon ng rosas;
Kaligayahan sa mukha niya'y mababakas;
Sa labi ni SIMPATIKO kanyang binigkas.
Salamat sa DIOS,nagkita din tayo sa wakas!

Kakaibang ligaya kanilang nadama;
Di maipaliwanag sa unang paghaharap nila;
Habang mga mata nakatitig sa isa't-isa;
Kapwa dibdib kumakabog sa kaba.

Pusong umiibig di mo maiintindihan;
kusang uusbong kahit pigilan;
kahit anong hadlang di papayagan;
masunod lamang ang syang nilalaman.

Hanggang sa di nila namalayan;
magkayakap na kanilang katawan;
Tamis ng pag-ibig na di mapigilan;
Ngayo'y masaya nilang pagsasaluhan.

Sorpresa ko sa iyong kaarawan;
Pagmamahal ko sa iyo'y di matatawaran;
Dahil nga sa dagat ang ating pagitan;
Tinawid ito upang sayo'y patunayan.

Kasabay ng pagliwanag ng buong bakuran;
Mga panauhin na nakakubli nagpalakpakan;
at sabay sabay nilang ipinaghiyawan;
Binibining FLORENCE....MALIGAYANG KAARAWAN KAIBIGAN!!!

No comments:

Post a Comment